MV Starlite Atlantic lumubog sa malalim na bahagi ng dagat ayon sa Phil. Navy
Gagamit na ng specialized equipment ang mga technical divers ng Philippine Navy upang makita ang lumubog na MV Starlite Atlantic sa karagatang sakop ng Tingloy, Batangas.
Ayon kay Lt. Henry Geron ng Philippine Navy, nagtungo sila sa sinasabing pinaglubungan barko pero life jacket lamang ang kanilang nakita.
Masyado anyang malalim ang lugar at wala silang kapasidad na sisirin ito.
Sinabi naman ni Capt. Julius Ceasar Marvin Lim, District Commander ng Coast Guard Southern Tagalog na tuloy pa rin ang kanilang isinasagawang search and rescue operation.
Umaasa naman ang opisyal na may buhay pa rin sa 18 tripulante ng lumubog na barko.
Samantala, bagamat tumangging humarap sa camera sinabi ni Glen Tabanao, spokesperson ng Starlite Ferries na patuloy silang nagbibigay ng update sa mga pamilya ng nawawalang crew.
Sinagot naman anya ng Starlite Ferries ang burial ng nasawing si Lyka Banaynal na isang apprentice sa barko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.