Duterte itinanggi na mayroon siyang kriminal na inihulog sa helicopter

By Den Macaranas December 29, 2016 - 04:44 PM

Duterte Malacanang
Inquirer file photo

Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang report na mayroon siyang inihulog na kriminal mula sa isang helicopter noong siya’y Alkalde pa lamang ng Davao City.

Sa panayam, sinabi ni Duterte na tanging ang kolumnistang si Ramon Tulfo lamang ang nagsabi ng naturang kwento at hindi naman niya ito ginawa.

“That was the Tulfo’s theory, hindi naman akin ‘yan eh…wala namang helicopter na ambulansya. Hindi ginagamit diyan,” paliwanag ni Duterte.

Kamakailan ay nagbiro ang pangulo na kanyang susunduin at isasakay sa chopper ang mga corrupt na opisyal ng pamahalaan.

Hindi naman daw dapat mataas ang lipad ng helicopter dahil ihuhulog niya mula dito ang mga nagnanakaw sa kaban ng bayan.

Sa nasabing panayam ay muling inulit ng pangulo na seryoso siya sa kanyang kampanya hindi lamang kontra sa droga kundi maging sa talamak na kurapsyon sa loob ng pamahalaan.

TAGS: Davao City, duterte, helicopter, Davao City, duterte, helicopter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.