Trillanes, hindi titigilan si VP Binay hangga’t hindi lumalantad ang mga ‘bagman’ nito

trillanes-binay1Sa August 20 ipagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Sub-committee ang pagdinig sa mga katiwalian na kinasasangkutan umano ni Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV, sa August 20, may dalawang bagong pasabog siyang ilalabas laban kay Binay.

Sinabi naman ni Senador Koko Pimentel, chairman ng sub-committee, hindi nila ititigil ang pagdinig hanggat hindi lumulutang ang umano’y mga dummy ni Binay na sina Gerry Limlingan at Ebeng Baloloy.

Paniwala ni Pimentel, maraming nalalaman ang dalawa hinggil sa mga sikreto ni VP Binay lalo’t noong ito pa ang alkalde ng lungsod ng Makati.

Hanggang ngayon ay hindi binabawi ng Senate Sergeant-at-Arms office ang arrest order laban sa mga umano’y bagman ni VP Binay na si Limlingan at long-time aide na si Baloloy/ Chona Yu

 

 

Read more...