Duterte binalaan ni Robredo sa kanyang New Year’s message kaugnay sa Martial Law

By Alvin Barcelona December 29, 2016 - 04:09 PM

Leni1
Inquirer file photo

Dalawang araw bago ang Bagong Taon, binalaan ng kampo ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa pagdedeklara ng Martial Law.

Ginawa ng tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez ang pahayag kasabay ng pagtanggi na sila ang nagpapalabas na gusto ni Pangulong Duterte na magpatupad ng Martial Law sa bansa.

Igniit ni Hernandez na hindi sila ang dapat na sisihin dito dahil mismong ang pangulo ang gumagawa ng mga nasabing pahayag.

Ang madalas kasing ginagawa ng administrasyon kapag pinapansin ang mga sinasabi ng pangulo ay pinalalabas na ito ay biro o di kaya binigyan lamang ng ibang pakahulugan ayon kay Hernandez.

Nanindigan si hernandez na ang banta ng martial rule ay hindi biro at hindi din dapat na pinapalaki.

Aniya malinaw ang mensahe ni Robredo at ito ay hindi sila papayag na bumalik ang batas militar at handa silang ipaglaban ang kalayaan at karapatan ng mamamayang Filipino.

TAGS: duterte, Martial Law, New Year, Robredo, duterte, Martial Law, New Year, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.