1 ang patay sa nasunog na pagawaan ng baril at bala sa QC

By Angellic Jordan December 29, 2016 - 01:44 PM

fireIsa na ang patay matapos masunog ang dalawang palapag na establisimiyento sa Cubao, Quezon City.

Ang naturang gusali ay isang pagawaan ng bala, rifle granade at baril na pag-aari ng Creser Precision Systems Inc. sa bahagi ng Barangay San Roque.

Ayon kay Bureau of Fire Protection ng National Capital Region Sr. Supt. Wilberto Rico Neil Kwan Tiu, nagsasagawa ng cooling sa naturang lugar upang maprotektahan ang ammunition na nakaimbak dito kung saan narekober rin ang ilang mortar bombs.

Wala naman aniyang kailangan kemikal sa pag-apula ng sunog na nakontrol bandang 12:16 nang tanghali.

Sa ngayon, tinitignan pa ng mga otoridad kung kasalukuyang rehistrado ang establisimiyento.

TAGS: Barangay San Roque, Cubao, pagawaaan ng bala at baril, sunog, Barangay San Roque, Cubao, pagawaaan ng bala at baril, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.