Mga opisyal ng Zamboanga City Water District, sinuspinde ng Sandiganbayan

By Angellic Jordan December 29, 2016 - 12:10 PM

sandigan-bayan-building-facadePinatawan ng siyamnapung araw ng Sandiganbayan ang ilang opisyal ng Zamboanga City Water District.

Kabilang sa mga nasuspinde ang General Manager na si Leonardo Rey Vazquez, Department Manager Lovell Abad, Division Managers Teotimo Reyes Jr., Arnulfo Alfonso, Rodrigo Vega at Fernando Camba.

Sa limang pahingang ibinabang kautusan, inatasan ng anti-graft court ang mga nabanggit na opisyal na tumigil sa kanilang responsibilidad sa kanilang kasalukuyang posisyon.

Nahaharap ang mga akusado sa paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Section 65 ng Government Procurement Reform Act.

Noong nakaraang taon, matatandaang nasangkot si Vazquez at ang ibang opisyal kaugnay sa bidding ng Pasonanca-Sta. Maria Line rehabilitation project kung saan natagalan at bigong naisagawa ang post-qualification proceedings nito.

 

 

TAGS: sandiganbayan, Zamboanga City Water District, sandiganbayan, Zamboanga City Water District

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.