Ronnie Dayan, sinampahan ng kaso sa DOJ ng mga mambabatas

By Angellic Jordan, Dona Dominguez-Cargullo December 29, 2016 - 11:16 AM

Radyo Inquirer File Photo | Isa Umali
Radyo Inquirer File Photo | Isa Umali

Kinasuhan ng mga mambabatas si Ronie Dayan sa Department of Justice (DOJ) dahil sap ag-isnab nito noon sa summon ng kamara para sa imbestigasyon sa drug trade sa Bilibid.

Ang reklamo ay inihain nina House Speaker Pantaleon Alvarez together at House Majority Leader Rodolfo Fariñas kasama sina House Committee on Justice chair at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali.

Ayon sa reklamo, ipinadala nila ang summon kay Dayan para magbigay ito ng linaw sa kalakaran ng illegal drugs sa loob ng NBP.

Ito ay matapos mabanggit si Dayan ng mga high-profile inmate na tumestigo sa imbestigasyon ng kamara.

Reklamong disobedience to summons ang isinampa laban kay Dayan dahil sa pag-isnab niya sa imbitasyon ng kamara para siya ay dumalo noong September 28 at October 6 hearings.

Buwan ng Nobyembre nang madakip si Dayan at saka lamang ito humarap sa house investigation.

 

TAGS: department of justice, House of Representatives, ronnie dayan, department of justice, House of Representatives, ronnie dayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.