6 sugatan sa pagsabog ng IED sa North Cotabato

north cotabatoNasugatan ang anim na katao matapos ang pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa national highway sa bayan ng Aleosan sa North Cotabato.

Ayon kay Colonel Edgar delos Reyes, commander ng 34th Infantry Battalion ng Philippine Army, naganap ang pagsabog alas 10:20 kagabi (Miyerkules, December 28) sa kalsadang sakop ng Barangay Pagangan.

Anim na lalaking sakay ng isang dumadaang hauler truck ang nasugatan.

Kinilala ang mga itong sina Amerol Musa Tantos, Hanep Alipa Ayon,Yahya Kasan, Pahmi Daya Diamla, Johary Amerol at Salman Tahir.

Nasira din ang poste ng kuryente sa lugar dahil sa nasabing pagsabog na nagresulta sa brownout.

Wala pang grupo na umaako sa insidente na naganap 25 kilometro lang ang layo sa pinangyarihan ng grenade attack sa Midsayap, North Cotabato noong Christmas eve na ikinasugat naman ng labignpitong katao.

 

Read more...