Pulis sa Kidapawan City, makukulong ng hanggang walong taon dahil sa ‘pangangaliwa’-DOJ
Pinaalalahanan ng Department of Justice ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno na sumunod sa batas at pairalin ang mataas na moral standard.
Ginawa ni Justice Secretary Leila de Lima ang paalala kasunod na rin ng naging desisyon ni Kidapawan RTC-Branch 17 Judge Arvin Sadiri Balagot na patawan ng tatlo hanggang walong taon na pagkabilanggo ang isang nagngangalang SP02 Ricardo Caña.
Si SPO2 Caña ay napatunayang guilty sa kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9262 o mas kilala sa tawag na Anti Violence Against Women and Children Act of 2004.
Maliban dito ay pinagmumulta rin ang police officer ng isandaang libong piso maliban pa sa dalawandaang libong pisong bayad na danyos sa kanyang legal wife.
Nauna ng sinampahan ng Kidapawan prosecutors office ng Marital Infidelity si SPO2 Caña matapos ireklamo ng pangangaliwa ng kanyang ligal na asawa na nagsimula pa noong 1995./ Ricky Brozas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.