P31-M halaga ng tulong, naipamigay na sa mga nasalanta ng bagyo-DSWD
Nakapagbigay na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P31-milyong halaga ng relief assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Nina.
Sa pahayag na inilabas ng DSWD, sinabi nito na patuloy pa rin ang pagbibigay nila ng tulong sa mga pamilyang nasa mga evacuation centers.
Kabuuang 77,925 pamilya ang naapektuhan ng bagyong Nina, at 42,531 na pamilya pa ang nananatili sa mga evacuation centers hanggang sa ngayon.
Kabilang sa mga naibigay na tulong ng DSWD sa mga nasalanta na nagkakahalaga ng P31,018,264, ay mga family food packs, pati na ang mga food at nonfood items tulad ng malong, kulambo, kumot at hygiene kits.
Ayon kay Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo, patuloy na minomonitor ng kaniyang kagawaran ang mga nananatili pa rin sa mga evacuation centers.
Nagbigay na rin aniya sila ng karagdagang augmentation assistance sa mga evacuees sa pamamagitan ng mga local government units (LGUs).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.