Bumaba ng labing dalawang puntos ang satisfaction rating ni Alvarez, sa SWS survey na ginawa noong December 3 hanggang 6, 2016.
Pagtitiyak ni Alvarez, sa kabila ng nakuhang grado ay magta-trabaho siya ng husto bilang lider ng Mababang Kapulungan.
Pagmamalaki nito, sa pagsisimula pa lamang ng 17th Congress ay maraming nagawa ang Kamara, gaya ng record-breaking na pag-apruba sa 2017 National budget.
Para naman sa 2017, sinabi ni Alvarez na may mga nakahanay nang plano ang Lower House, kaya siguradong sila’y magiging produktibo.
Nauna nang sinabi ni Alvarez na kabilang sa aatupagin ng Kamara sa susunod na taon ay ang debate sa panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan at Charter Change o Cha-Cha.