Mga crew posibleng na-trap sa loob ng lumubog na barko ayon sa PCG

By Erwin Aguilon December 28, 2016 - 08:49 PM

batangas2
Photo: Erwin Aguilon

Hindi inaalis ng Philippine Coast Guard ang posibilidad na natrap sa lumubog na MV Starlite Atlantic ang iba pang nawawalang crew nito.

Ayon kay Commander Angel Villiran, Commanding Officer ng BRP Pampanga ng PCG, maaring hindi nakatalon ang ibang crew mula sa barko.

Samantala, sa maghapong paggalugad ng mga barko ng coast guard sa mga karagatan ng Batangas, mindoro, quezon at Marinduque wala pa ring nakitang tripulante ng lumubog na barko.

Tanging tatlong life jacket mula sa lumubog na barko ang nakita sa karagatang sakop ng Lumang Bayan point sa Oriental Mindoro.

Gayunman, hindi nawawalan ng pag-asa ang coast guard official na may makikita pang buhay sa mga tripulante ng MV Starlite Atlantic.

 

Batangas1
Photo: Erwin Aguilon

TAGS: coast guard, mv starlite atlantic, villarin, coast guard, mv starlite atlantic, villarin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.