Administrasyong Duterte tinawag na praning ng isang kongresista

By Isa Avendaño-Umali December 28, 2016 - 08:12 PM

tom-villarin
FB Photo

Napapraning na raw ang administrasyon dahil sa umano’y coup plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin, sa mahigit anim na libong nasawi sa kasagsagan ng war on drugs ay  hindi na raw siya nagtataka sa nangyayari ngayon sa pamahalaan.

Ani pa ni Villarin, isa sa mga kongresistang bahagi ng Magnificent 7 ng Kamara na mistulang sinisira ng gobyerno ang sarili nito dahil sa mga polisiya at pronouncements na inilalabas ng pangulo at hindi dahil sa external threats o bantang gaya ng destabilization plot.

Giit ng mambabatas, mas nababahala ang mga tao sa pagtaas ng bilang ng extra judicial killings at pagsadsad ng ekonomiya  kaysa sa pinalulutang na kudeta kontra sa pangulo.

Dagdag ni Villarin, mas mainam kung tututok ang Duterte administration sa problema sa kahirapan lalo’t tumaas ang bilang mga Pilipinong walang trabaho o pangkabuhayan at patuloy rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin

Ang pahayag ni Villarin ay kaugnay pa rin sa balak na pagpapatalsik kay Duterte bilang Pangulo ng bansa, na rekumendasyon daw ni dating US Ambassador Philip Goldberg sa Amerika.

TAGS: akbayan, duterte, villarin, akbayan, duterte, villarin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.