Puppet nina Duterte at Dela Rosa bibida sa kampanya ng PNP kontra paputok

By Ruel Perez December 28, 2016 - 04:46 PM

Bato Putok
Photo: Ruel Perez

Mas pinaigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa ipinagbabawal na paputok at iligal na droga sa pagsalubong sa taong 2017

Idinaan ni PNP-Police Community Relations Group Chief C/Supt. Gilbert Cruz ang kampanya sa kanyang 2-minute music video na pinamagatang ‘Dobleng Sabog Sa Bagong Taon’ na ginagampanan ng mga puppets.

Ayon kay Cruz, gumawa sila ng video na ipapalabas sa social media at maging sa mga media networks na naglalayon na mas maipaintindi lalo na sa mga bata at murang edad ang pinsala na maaring idulot ng iligal na mga paputok.

Paliwanag ni Cruz, gumamit sila ng mga puppets upang mas maintindihan ng mga bata na siyang dumadampot ng mga paputok na hindi sumabog o kaya ay mga naglalaro ng mga watusi ang panganib ng paputok.

Dapat din umanong maipaliwanag sa publiko kung gaano ka delikado lalo na sa mga sabog sa droga ang mga iligal na paputok.

Bibida sa nabanggit na video ang mga puppet ni Pangulong Rodrigo DUterte at PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa.

Tampok din dito ang mga puppets na sina Boy Sabog, Boy Watusi at  Matikas na eere sa mga media at social networks kasabay ng paglulunsad nito bukas.

TAGS: bato pnp, digong, Droga, Paputok, bato pnp, digong, Droga, Paputok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.