Phil. Navy tumulong na sa paghahanap sa mga crew ng MV Starlite Atlantic

Philippine Navy batangas
Inquirer file photo

Tumulong na rin sa isinasagawang search and rescue operation para sa mga nawawalang tripulante ng lumubog na MV Starlite Atlantic and mga technical divers ng Philippine Navy.

Ayon sa pamunuan ng Starlite Ferries, bukod sa Philippine Coast Guard at Philippine Army dumating kaninang alas-dos ng hapon ang karagdagang puwersa muna saPhilippine Navy.

Samantala, ang BRP Pampanga ng Philippine Coast Guard ay nasa karagatang sakop na ng lalawigan ng Quezon kaugnay ng isinasagawang paghanap sa 18 mga nawawalang crew.

Mula sa Batangas City, binaybay nito ang mga bayan ng Lobo at San Juan sa Batangas bago nagtungo sa karagatan ng Quezon.

Sinabi ni Commander Angel Vilarin, Commanding Officer ng BRP Pampanga na tutungo sila sa karagatan ng Marinduque upang doon naman maghanap.

Kanina, may mga ulat na nakitang life jackets mula sa lumubog na bapor pero tititingnan pa ito ng isa pang barko ng Philippine Coast Guard na katulong sa paghahanap.

Read more...