Isa pang dating mambabatas na dawit sa PDAF scam, pinakakasuhan ng Ombudsman

Ombudsman11Ipinag-utos na Office of the Ombudsman ang pagsasampa sa Sandiganbayan ng kasong katiwalian at administratibo laban kay dating Nueva Ecija Rep. At dati ring Nueve Ecija Governor Aurelio Umali.

Sa 38-pahinang resoluson, sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na nagkaroon ng katiwalian sa 2005 PDAF ni Umali na nagkakahalaga ng 15 million pesos.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman, inendorso ni Umali ang Masaganang Ani sa Magsasaka Foundation, na isang NGO na kontrolado ni Janet Lim Napoles.

Ipinondo roon ang 12 million pesos habang ang 3 million pesos sa Samahan ng mga Manininda ng Prutas sa Gabi Inc.

Laan sana ang naturang halaga sa pagbili ng liquid fertilizers at irrigation pumps para sa mga magsasaka sa Laur, Gabaldon, Bongabon, Santa Rosa, General Natividad at Cabanatuan City, subalit natuklasan na mga ghost project ang mga ito.

Bukod naman kay Umali, pinakakasuhan na rin ng 4-counts ng graft sina Pork Barrel Scam queen Napoles, mga Agriculture Department officials na sina Renato Manantan at Narcisa Maningding at mga dawit na NGO officials.

 

Read more...