Biyahe ng MRT nagka-aberya, nagpatupad ng provisional service

By Dona Dominguez-Cargullo December 28, 2016 - 07:51 AM

MRT AdvisoryLabingsiyam na minutong nagpatupad ng provisional service ang Metro Rail Transit (MRT), Miyerkules ng umaga sa kasagsagan ng rush hour.

Sa abiso ng MRT, alas 7:10 ng umaga nang ipatupad nila ang mas maiksing serbisyo, mula Shaw station hanggang Taft station lamang at pabalik.

Habang wala munang naging biyahe mula Shaw station hanggang North Avenue station at pabalik.

Alas 7:31 naman ng umaga nang maisaayos ang problema at maibalik ang buong operasyon ng tren.

Gayunman, marami sa mga pasahero na nasa mga apektadong istasyon ang bumaba na lamang at nag-abang ng masasakyang bus sa EDSA.

Bago ang pagpapatupad ng provisional service, iniulat ng MRT na nagkaroon ng service interruption sa pagitan ng Cubao at GMA Kamuning stations alas 6:51 ng umaga dahil sa naranasang technical problem ng isang tren.

 

 

TAGS: Metro Rail Transit, MRT, provisional service, train system in PH, Metro Rail Transit, MRT, provisional service, train system in PH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.