P1.36-B halaga ng hydropower project sa Mindanao, aprubado na

By Kabie Aenlle December 28, 2016 - 04:26 AM

 

Inquirer file photo

Pinagkalooban ng Board of Investments (BOI) ng incentives ang isang Chinese-backed renewable energy project sa Northern Mindanao na inaasahang magpapalinang sa industrial development sa rehiyon.

Ayon sa BOI, inaprubahan nila ang inihaing panukala ng Liangan Power Corp. (LPC) 11.9-megawatt hydropower project na nagkakahalaga ng P1.36 billion.

Sa Enero 2019 inaasahang magsisimula ang buong operasyon nito, na mangangailangan ng hanggang sa 44 na tauhan.

Ang nasabing proyekto ay maisasailalim sa mandatory list ng 2014-2016 Investment Priority Plan (IPP).

Ayon kay Trade Undersecretary at BOI Managing Head Ceferino Rodolfo, suportado ng Chinese investors ang nasabing proyekto na magpapalago sa industriya sa Mindanao, lalo na’t ito ay nakapwesto sa pagitan ng dalawang strategic cities.

Target ng Liangan Power na makapagbigay ng “reasonably priced” na supply ng kuryente, nang may katiting lamang na negatibong epekto sa kalikasan at sa mga residente.

Gagawin ang proyekto sa Northwest Mindanao, at mapapaloob sa bayan ng Bacolod, Lanao del Norte, Iligan City at Cagayan de Oro.

Ayon naman kay Trade Sec. Ramon Lopez, isa na itong matibay na resulta ng paghikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga investors mula sa China.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.