Duterte, wala pa ring balak magpatupad ng nationwide ban sa paputok

By Kabie Aenlle December 28, 2016 - 04:32 AM

 

FirecrackersNananatiling malamig si Pangulong Rodrigo Duterte sa ideya ng pagpapatupad ng nationwide ban sa paputok.

Ito mismo ay ayon kay Philippine National Police chief Director Gen. Ronald dela Rosa, na sumubok na ring kausapin ang pangulo tungkol sa naturang panukala.

Ayon kay Dela Rosa, siya mismo ay nais niya sanang maipatupad ang ganitong batas, ngunit wala pa naman ito sa isip ng pangulo at maaaring hindi pa handa ang bansa sa ganitong patakaran.

Aniya pa, mas magandang pag-aralan ito sa susunod na taon upang may mas mahabang panahon para sa information dissemination nang sa gayon ay hindi naman mabigla ang mga gumagawa ng paputok dito sa bansa bilang negosyo.

Sakali aniyang isusulong talaga ang panukalang ito na inihain na sa pangulo noong pang nakaraang buwan, kailangang mabigyan ng sapat na panahon ang mga manufacturer.

Hindi naman kasi aniya patas para sa mga ito kung ngayong taon agad ura-uradang ipatutupad ang nasabing firecracker ban.

Samantala, sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 47 ang naitalang firecracker-related injuries habang papalapit na nang papalapit ang bagong taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.