Hindi apektado ang mga bukirin sa Bulacan at Pampanga sa pansamantalang pagtigil ng supply ng tubig mula sa Angat Dam.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Region 3 Director Andrew Villacorta, ito ay dahil sa panahon na ngayon ng anihan at hindi na aasa sa tubig mula sa Angat Dam ang mga taniman sa mga naturang lalawigan.
Batay sa record ng DA, nasa dalawampu’t dalawang libong ektarya ng lupain sa Bulacan ang kumukuha ng irrigation supply sa Angat Dam, habang dalawang libong ektarya naman ang sa Pampanga.
Nito lamang Martes ay itinigil na ang pagpapalabas ng tubig para sa irigasyon mula sa Angat Dam kasunod ng pagbaba sa 180-meters ng antas ng tubig nito.
Ang naturang pagbagsak sa critical level ng Angat Dam ay bunga ng epekto ng El Nino./Den Macaranas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.