‘Nina’ nakalabas na ng PAR

 

Mula sa Pagasa

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Nina’.

Sa 11:40 PM update ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 355 kilometro hilaga-hilagang silangan ng Pagasa island, Palawan.

Taglay na lamang nito ang lakas na 75 kilometers per hour at pagbugsong umaabot sa 90 kph.

Bago ito pumasok ng PAR araw ng pasko, umaabot sa 175 kph ang dala nitong hangin at pagbugsong umaabot hanggang 255 kph.

Tinatahak ng bagyo ang direksyong southwest sa bilis na 20 kph.

Sa kabila ng paglabas ng bagyo sa PAR, pinapayuhan pa rin ng PAGASA ang mga sasakyang pandagat na nananatiling delikado ang paglalayag sa seabord ng northern Luzon at western seabord ng Central Luzon.

Sa kanyang paglabas ng PAR, nag-iwan ang bagyong ‘Nina’ ng bilyong pisong halaga ng pinsala sa pananim at imprastraktura sa mga lalawigang dinaanan nito.

Read more...