DOH, seryoso sa implementasyon ng firecracker ban sa susunod na taon

December 28, 2016 - 04:04 AM

 

Inquirer file photo

Hindi lang simpleng executive order ang hinahangad ng Department of Health kundi isang batas ang maipapasa susunod na taon para maipatupad na ang nationwide firecracker ban.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Health Undersecretary Gerardo Bayugo, na mas may ngipin kasi ang batas kaysa sa executive order.

Halimbawa na lamang aniya sa EO, walang ipapataw na parusa sa sinumang hindi tatalima sa firecracker ban samantalang kapag batas ang naipasa ng Kongreso, tiyak na may katapat itong parusa.

Sinabi pa ni Bayugo na umaasa ang kanilang hanay na maipapasa ang batas sa mga unang buwan ng taong 2017 para hindi naman malagay sa alanganin ang hanap-buhay ng mga nasa industriya ng paputok.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.