UN, mistula na lamang isang ‘club’ na pang-‘goodtime’-Trump

 

Tulad ni Pangulong Rodrigo Duterte, bumabanat na rin si US President-elect Donald Trump sa United Nations.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Trump na nakalulungkot na mistulang isang ‘club’ na lamang ang UN kung saan maaring mag-‘good time’ ang mga miyembro nito.

Ang reaksyon ni Trump ay tugon nito sa pagboto ng UN Security Council para kondenahin ang settlements ng Israel sa West Bank at east Jerusalem.

Sa naturang botohan, nag-abstain ang Estados Unidos taliwas sa iginigiit ni Trump na gamitin ng Obama administration ang ‘veto power’ nito upang matuldukan na ang malamig na ugnayan ng Amerika sa liderato ng Israel.

Sa isa pang tweet, sinabi ni Trump na magbabago ang lahat pagsapit ng January 20, na araw ng pag-upo niya sa puwesto bilang susunod na Pangulo ng Amerika.

Read more...