Kaninang alas-tres ng hapon ay umaabot na sa 12 transmission lines at ilan pang pasilidad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang naitlang nasira sa Southern Luzon dahil sa hagupit ng bagyong si Nina.
Sa huling report na inilabas ng NGCP kabilang sa mga naapektuhan ay ang Batangas-Bolboc 69 kV Line na pinagkukuhanan ng supply ng Meralco.
Ayon kay Atty Cynthia Alabanza, tagapagsalita ng NGCP magkakasunod na nasira ang pasilidad ng nabanggit mga transmission lines mula alas 7:31 ng gabi kagabi hanggang kaninang madaling-araw
Ayon pa sa opisyal. ang mga ito ay mula pa lamang sa lalawigan ng Batangas, Quezon, Camarines Sur at Albay habang hinihintay pa ng NGCP ang report na manggagaling sa kanilang mga tauhan sa field.
Pero nilinaw ng NGCP na naibalik na nila ang operasyon ng Gumaca-Lopez 69 kV Line, Gumaca-Atimonan 69 kV Line na pinagkukuhanan ng supply ng Quezalco sa Quezon, at ang Batangas-Ibaan-Rosario 69 kV Line na pinagkukuhanan ng Batelec II sa lalawigan ng Batangas.