Masinloc, Zambales, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bayan ng Masinloc sa lalawigan ng Zambales.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig alas 12:07 ng tanghali at nasa 11 kilometers North ng Masinloc ang epicenter nito.

May lalim na 26 kilometers at tectonic ang origin ng lindol.

Dahil sa nasabing pagyanig, naitala ng Phivolcs ang Intensity III sa bayan ng Iba sa Zambales.

Hindi naman inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.

 

 

Read more...