Firecracker-related injuries, umakyat na sa 70 ayon sa DOH
Apat na araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, umabot na sa 70 ang naitatalang firecracker-related injuries ng Department of Health (DOH).
Sa nasabing bilang, 69 ang nagtamo ng sugat dahil sa paputok at mayroong isang kaso ng firecracker ingestion.
Ayon kay DOH Spokesperson, Dr. Eric Tayag, sa 69 na nasugatan sa paputok, 63 dito ay pawang mga lalaki at ang edad ay nasa pagitan ng 4 hanggang 62 taong gulang.
Labingsiyam sa kanila ay nagtamo ng eye injuries.
Sa National Capital Region pa rin nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng mga nasugatan dahil sa paputok na nasa 33.
Habang ang bawal na piccolo ang pangunahing dahilan ng pagkasugat ng mga biktima.
Ayon sa DOH, ang naitalang 70 kaso as of alas sais ng umaga kanina ay mas mababa pa rin sa 124 na naitala sa parehong petsa noong nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.