Bagyong Nina, lalo pang humina, isa na lang severe tropical storm ayon sa PAGASA

Lalo pang humina ang bagyong Nina habang ito ay papalayo sa bansa.

Ayon sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, mula sa pagiging typhoon, isa na lamang severe tropical storm ang bagyo.

Huling namataan ang bagyo sa 440 kilometes west ng Iba, Zambales.

Taglay na lamang nito ang lakas ng hanging aabot sa 105 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 130 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 17 kilometers bawat oras sa direksyong west southwest.

Ayon sa PAGASA, mamayang gabi ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.

Wala na ring ibang sama ng panahon na nakikita ang PAGASA na papalapit sa Philippine Area of Responsibility.

Dahil dito, posibleng ang bagyong Nina ang panglabing apat at panghuli nang bagyo sa bansa ngayong taon./ Dona D

 

Read more...