Nasawing crew ng lumubog na MV Starlite Static sa Tingloy Batangas, kinilala na; 18 pang crew ang pinaghahanap
Kinilala na ang babaeng crew na nasawi sa paglubog ng MV Starlite Static sa karagatang sakop ng Maricaban, Tingloy, Batangas.
Ayon kay Capt. Julius Caesar Victor Marvin Lim, district commander ng Coast guard district Southern Tagalog ang biktima ay si Lyka Banaynal, 21 taong gulang.
Nakaligtas naman ang mga sumusunod na crew ng barko:
1. Eric Cuevas – Master
2. Russel Andal – AB
3. Rommel Olaco – AB
4. Ricky Lalen – Chief Engineer
5. Angelo Estinote – Oiler
6. Nestor Santiago – Oiler
7. Airon Barrera – deck cadet
8. Jonathan Garcia – deck cadet
9. Jill Violyn Gonzales – deck cadet
10. Rhonvic Ricohermoso – deck cadet
11. James Bernard Padilla – engine cadet
12. Marjeon Baldonasa – engine cadet
13. Bobet Rabasto – engine cadet
14. Jose June Bernabe – deck cadet
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation upang mahanap ang 18 pang nawawalang tripulante ng barko na lumubog sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Nina.
Nag-take shelter ang nasabing barko sa lugar dahil sa bagyong Nina subalit bumaba ang direksyon ng bagyo at nahagip ang lugar na kinaroroonan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.