Mga barkong sumadsad sa Oriental Mindoro, nadagdagan pa

By Erwin Aguilon December 27, 2016 - 11:24 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Tatlo pang barko ang sumadsad sa karagatang sakop ng Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Ayon kay Capt. Julius Caesar Victor Marvin Lim, district commander ng Coast Guard Southern Tagalog kabilang sa mga sumadsad ang MV Reina Olympia ng Montegro Shipping Lines, MV Ariana Gabrielle na isang cargo vessel at ang LCT Anisha Bernadette.

Sinabi ni Lim na dahil sa lakas ng hangin at alon napadpad sa mababaw na bahagi ng dagat sa Barangay San Antonio at Balatero ang nasabing mga barko.

Nauna ng naiulat na pitong barko rin ang sumadsad sa Puerto Galera habang nananalasa ang bagyong Nina.

Pinawi naman ng coast guard ang pangamba ng pagkakaroon ng oil spill sa karagatan bunsod ng pagsadsad ng sampung mga barko.

 

 

TAGS: effect of Typhoon Nina, Mabini Batangas, philippine coast guard, effect of Typhoon Nina, Mabini Batangas, philippine coast guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.