Dahil sa paghina ng bagyo at pag-alis ng public storm warning signals, unti-unti nang napayagan ang mga sasakyang pandagat na makapaglayag.
Dahil dito, sa update ng Philippine Coast Guard kaninang alas kwatro ng madaling araw, 192 na mga pasahero na lamang ang stranded sa Western Visayas.
Kabilang din sa stranded ang sampung rolling cargoes at apat na barko.
Samantala, ngayong araw, mayroon pa ring nakataas na gale warning ang PAGASA sa seaboards ng Northern Luzon at western seaboards ng Central Luzon.
Ayon sa PAGASA, ang mga fishing boats at iba pang maliliit na sasakyang pandagat ay pinapayuhan na huwag na munang pumalaot sa baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.
Gayundin sa western seaboards ng Zambales at Bataan.
Ayon sa PAGASA, malakas pa rin ang hangin sa nasabing mga lugar na maaring magdulot ng mataas na alon, dahil sa umiiral na amihan na pinalalakas ng bagyong Nina.