Ayon kay BPI Securities president Michaelangelo Oyson, nakikitang hihigit pa sa 6 percent ang magiging growth ng gross domestic product ng bansa sa 2017.
Madadala ito sa 400-bases-point contribution mula sa consumption, 150-basis-point share mula sa investments, at 60 hanggang 80-basis-point contribution naman mula sa government expenditures.
Bagaman may nakaambang pagbabago na dala ang mga magiging polisiya ni US president-elect Donald Trump sa ekonomiya ng bansa, makakabawi naman aniya ang bansa dito.
Positibo rin si Oyson na maisusulong ng administrasyong Duterte ang panukalang tax reform package na makakahikayat sa consumption at investments.