Sa pinakahuling severe weather bulletin ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa 360 kilometers West ng Iba, Zambales.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometers per hour, at pagbugso na aabot sa 150 kilometers per hour.
Inaasahang patuloy pa rin ang pagkilos nito patungo sa Kanlurang direksyon sa bilis na lang na 17 kilometers per hour.
Tuluyan naman nang inialis ng PAGASA ang mga Tropical Cyclone Warning Signals sa lahat ng mga lalawigang dinaanan ng bagyo.
Sa pagtataya ng PAGASA, mamayang gabi na lalabas ng Philippine Area of Reponsibility (PAR) ang bagyo.
MOST READ
LATEST STORIES