1,500 food packs, nadala na ng DSWD sa Catanduanes
Lulan ng isang C130 plane, dumating na sa Virac, Catanduanes ang 1,500 na food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga nasalanta ng bagyong “Nina.”
Ayon kay Josephine Belotindos ng DSWD, mula sa DSWD-Region 7 ang mga food packs na ito, at ang kada kahon ay kakasya para sa tatlong araw na pangangailangan ng bawat pamilya.
Dalawang eroplano pa mula sa Mactan, Cebu ang pupunta doon ngayong araw para magdala ng mga karagdagan pang pagkain sa mga biktima ng bagyo.
Nang pabalik naman na ang naturang C130 plane, 15 pasahero ng mga commercial flights ang isinakay nito upang subukang makakuha ng flights sa Manila at mahabol ang kanilang international flights.
Samantala, muli naman nang magpapatuloy ang mga ferry service ngayong araw, pati na rin ang mga regular na flights patungo at mula sa Catanduanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.