Pahabol na dagdag presyo sa langis ngayong taon, ipatutupad ngayong araw

By Kabie Aenlle December 27, 2016 - 04:50 AM

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO
AFP PHOTO/ JAY DIRECTO

Sa ikatlong pagkakataon ngayong buwan, magpapatupad na naman ng dagdag sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis.

Sa anunsyo ng Petron, PTT, UniOil, SeaOil, Phoenix at Shell, magtataas ng P0.50 ang kada litro ng kanilang gasolina at P0.25 naman sa kada litro ng kanilang diesel, epektibo mamayang alas sais ng umaga.

Gayundin ang halaga ng itataas ng kumpanyang Flying V na nauna nang nagpatupad ng dagdag-presyo kaninang hatinggabi.

Sa buwang kasalukuyan pa lamang ay umabot na sa mahigit sa P3.00 ang itinaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.