1 patay, 18 nawawala sa paglubog ng isang barko sa Batangas

By Erwin Aguilon December 26, 2016 - 09:23 PM

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Isa na ang nasawi,18 pa ang nawawala, habang 14 naman ang mapalad na nakaligtas matapos lumubog ang isang barko sa karagatang sakop ng Mabini, Batangas.

Ayon kay Capt. Julius Caesar Victor Marvin Lim, District Commander ng Coast Guard District Southern Tagalog, isang hindi pa pinangalanang babae ang kumpirmadong nasawi.

Sinabi ni Lim na 22 lamang ang unang idineklara ng kapitan ng lumubog na MV Starlite Static na si Ricky Lalen.

Bago mag alas-9:00 ng gabi, nadala ang 14 katao na nailigtas ng barko ng Coast Guard sa District Headquarters nito sa Batangas City.

Kaagad naman silang sinuri ng medical team ng Coast Guard bago dinala sa ospital.

Sa ngayon, patuloy pa rin naman ang isinasagawang search and rescue operation ng Coast Guard upang mahanap ang iba pang nawawalang crew.

TAGS: NinaPH, typhoon nina casualties, NinaPH, typhoon nina casualties

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.