Mga kumpanya ng langis may dagdag presyo na naman bukas

By Alvin Barcelona December 26, 2016 - 07:54 PM

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO
Inquirer file photo

Isang araw makalipas ang Pasko ay muling magtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, December 27.

Aabot sa P0.50 sentimo kada litro ang idagdag sa Gasolina at P0.25 sentimo kada litro naman na itataas sa Diesel.

Magtataas ng presyo umpisa 12:01 ng madaling araw bukas ang madaling araw ang Flying V.

Sabay-sabay naman na magpapatupad ng oil price hike alas sais ng umaga ang Phoenix,  Seaoil at Shell.

Inaasahang mag-aanunsyo din ng kanilang mga price adjustment ang iba pang pang kumpanya ng langis ngayong araw.

Ito na ang pangatlong beses na nagtaas ng kanilang produkto ang mga oil companies ngayong buwan ng Disyembre.

Sa buwang kasalukuyan pa lamang ay umabot na sa mahigit sa P3.00 ang itinaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

TAGS: Flying V, oil price, Seaoil, shel, Flying V, oil price, Seaoil, shel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.