NDRRMC nagpaliwanag na hindi sila kinakapos sa pondo

By Den Macaranas December 26, 2016 - 04:45 PM

Nina Evac1
Inquirer file photo

Nilinaw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may sapat na pondo ang pamahalaan para sa mga naapektuhan ng bagyong Nina at iba pang mga hindi inaasahang kalamidad sa bansa.

Pero mananatili umanong bukas ang kanilang tanggapan para sa m ga tulong mula sa mga pribadong indibiduwal at grupo pati na rin sa United Nations.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, dumadaan sa rapid damage assessment and needs analysis ng Office of the Civil Defense ang pag-aaral sa kung magkano ang ilalabas nilang pondo para sa ilang partikular na lugar.

Para sa pribadong sektor, mahalaga umano na makipag-ugnayan sa kanilang ang iba’t ibang mga grupong gustong tumulong sa mga biktima ng kalamidad para hindi madoble ang mga ibibigay na tulong na maikalat ang mga ito sa mas nakararaming mga nangangailangan.

Kamakailan ay naging mainit ang mga pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa U.N dahil sa isyu ng extra judicial killing pero umaasa naman ang ilang miyembro ng kanyang gabinete na hindi ito makaka-apekto sa mga tulong na pwedeng iparating sa mga biktima ng kalamidad sa bansa.

TAGS: Budget, marasigan, NDRRMC, Budget, marasigan, NDRRMC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.