Halos 90 libong indibidwal inilikas, dahil sa bagyong Nina
Umabot na sa 20,624 na pamilya o katumbas ng 87,157 na katao ang isinailalim sa pre-emptive evacuation dahil sa bagyong Nina.
Ang mga inilikas na pamilya ay pansamantalang kinakanlong sa 310 na evacuation centers sa tatlong rehiyon sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa kabuuan, umabot na sa 22,676 na pamilya o 95,774 na katao ang naapektuhan ng bagyo.
Ang mga ito ay mula sa 291 na barangay sa MIMAROPA, Region 5 at Region 8.
Samantala, ayon sa DSWD, nakapaglaan na sila ng mahigit pitong milyong pisong halaga ng relief assistance,
May naka-standby na ding family food packs na aabot sa mahigit 330,000 ang bilang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.