Pagudpud, Ilocos Norte at Calayan, Cagayan, magkasunod na niyanig ng lindol
Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Pagudpud, Ilocos Norte kaninang alas 9:23 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naramdaman ang Intensity 3 sa Claveria, Cagayan; Intensity 2 sa Pasuquin at Laoag, Ilocos Norte; habang Intensity 1 naman sa Sinait, Ilocos Sur.
Naitala ang epicenter ng lindol 35 kilometro hilaga ng Pagudpud. May lalim na 16 kilometro ang naturang lindol.
Wala namang naiulat na pinsala dulot ng naturang pagyanig.
Samantala, alas 9:28 naman ng umaga ng yanigin ng magnitude 3.9 na lindol ang Calayan, Cagayan.
Naitala ang pagyanig sa 28 kilometer West ng Calayan, na mayroong lalim na 25 kilometers.
Makalipas ang labingisang minuto, o ganap na alas 9:39 ng umaga, muli namang nakapagtala ng magnitude 3.8 na lindol sa Calayan.
Nasa 32 kilometer West naman ng nasabing bayan ang epicenter ng lindol at may lalim na 27 kilometers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.