Bagyong Nina, mananalasa na sa Batangas anumang oras

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon December 26, 2016 - 08:53 AM

Humina pa ang Bagyong Nina habang ito ay patungo sa Southern Batangas.

Ayon sa PAGASA, anumang oras, mararamdaman na ang epekto ng bagyo sa nasabing lalawigan at pagkatapos ay magtutungo naman ito sa Cavite.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo kaninang alas 7:00 ng umaga sa 60 kilometer South ng Tayabas, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 230 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 3 sa Southern Quezon, Marinduque, Batangas, Northern Oriental Mindoro, Lubang Island, Cavite at Laguna.

Signal number 2 sa Metro Manila, Rizal, Northern Quezon kabilang ang Polillo Islands, Bulacan, Bataan, Pampanga, Southern Zambales, nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro, Romblon, Northern Occidental Mindoro, Camarines Norte at Camarines Sur.

At signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro, nalalabing bahagi ng Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Southern Aurora, Pangasinan, Albay at Burias Island.

Alas 2:00 ng hapon mamaya inaasahang lalabas sa landmass ng Batangas ang bagyo at magtutungo naman ng Cavite kung saan inaasahan ang pinakamalapit na lokasyon nito sa Metro Manila.

Sa Miyerkules ng umaga ang posibleng paglabas ng bagyo sa Philippine Area of Responsibility.

 

TAGS: Philippine weather, typhoon nina, update on Typhoon Nina, weather update, Philippine weather, typhoon nina, update on Typhoon Nina, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.