Bagyong Nina, may panglimang landfall sa Batangas; malakas na hangin ng bagyo, mararamdaman sa Metro Manila mamayang hapon

By Dona Dominguez-Cargullo December 26, 2016 - 06:25 AM

Simula kagabi, apat na beses nang tumatama sa kalupaan ang Typhoon Nina.

Ayon kay PAGASA forecaster, Jory Lois, ang unang landfall ng bagyo ay sa Bato, Cantaduanes; ang ikalawa ay sa Sagñay, Camarines Sur; ikatlo sa San Andres Quezon at ika-apat sa Torrijos, Marinduque.

Ang apat na beses na pagtama sa lupa ng bagyo ang dahilan kaya bahagya itong humina.

Pero ayon kay Lois, inaasahan pa ang ikalimang landfall ng bagyo sa lalawigan ng Batangas.

Tumatahak ngayon ang bagyo patungong Batangas, bago magtungo sa Cavite area.

Bagaman hindi direktang tatamaan ang Metro Manila, sinabi ni Lois na maaapektuhan pa rin ng bagyo ang NCR, pagdating ng bagyo sa bahagi ng Cavite.

Ang pagtaya ng PAGASA, mararanasan ang malakas na hanging dulot ng bagyong Nina sa Metro Manila sa pagitan ng alas dos hanggang alas kwatro ng hapon.

Dahil dito, payo ng PAGASA sa publiko, mabuting manatili na lamang muna sa kanilang mga tahanan ngayong maghapon upang hindi sila abutan sa labas ng malakas na hangin ng bagyo.

Ayon kay Lois, kung mananatiling Typhoon ang bagyong Nina ay maaring magtaas ng Signal number 3 sa Metro Manila.

 

 

TAGS: Metro Manila, Pagasa, typhoon nina, weather in PH, Metro Manila, Pagasa, typhoon nina, weather in PH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.