Heavy Rainfall Warning, nakataas sa Occidental Mindoro at Quezon dahil sa bagyong Nina

By Dona Dominguez-Cargullo December 26, 2016 - 06:19 AM

Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa lalawigan ng Occidental Mindoro at sa Quezon dahil sa bagyong Nina.

Alas 5:07 ng umaga, itinaas ng PAGASA ang yellow rainfall warning sa Occidental Mindoro dahil sa malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan.

Habang nagsimula ang pag-iral ng yellow rainfall warning sa lalawigan ng Quezon kaninang alas 4:00 ng madaling araw.

Nagbabala ang PAGASA ng pagbaha sa mabababang lugar at landslides sa bulubunduking lugar sa dalawang nabanggit na lalawigan.

Sa ngayon, sinabi ng PAGASA na nakararanas na rin ng light hanggang moderate ng pag-ulan ang Metro Manila, Bataan, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna at Batangas.

 

 

TAGS: heavy rainfall warning, Pagasa, Philippine weather, yellow rainfall warning, heavy rainfall warning, Pagasa, Philippine weather, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.