Bato, Catanduanes unang landfall ng bagyong ‘Nina’

 

Sa lalawigan ng Catanduanes, unang tumama sa lupa ang bagyong ‘Nina’.

Ayon sa PAGASA, dakong alas 6:30 ng gabi kagabi, araw ng Pasko, tumama na ang naturang bagyo sa bayan ng Bato.

Umabot sa 185 kilometers per hour ang lakas ng hanging dulot ng bagyo at pagbugsong umaabot sa 255 kilometers per hour nang una itong tumama sa lupa.

Sa kanyang magtama sa naturang lalawigan, malakas na hangin at ulan ang sumalubong sa mga residente.

Malaking bahagi rin ng lalawigan ang nawalan ng kuryente.

Maraming mga puno rin ang nabuwal sanhi ng malakas na hangin.

Matapos ang pananalasa ng bagyong ‘Nina’ sa Catanduanes, sunod naman itong nag-landfall sa Camarines Sur.
Dakong alas-11:00 ng gabi kagabi, tumama muli sa lupa ang bagyo sa bahagi ng Sagñay-Buhi sa lalawigan ng Camarines Sur.

Nang ito’y tumama sa lupa, lumakas pa ito at nagtaglay ng pagbugso o gustiness na umaabot sa 290 kph at lakas ng hangin na umabot sa 175 kilometers per hour.

Bukod sa malakas na hangin, nagdulot rin ng malakas na pag-ulan ang bagyo sa naturang lugar at maging sa kalapit na mga lalawigan.

Bahagyang bumilis ang bagyo na tinatahak ang direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 kph nang ito’y tumawid patungong Camarines sur mula Catanduanes.

Read more...