Magnitude 7.7 na lindol, yumanig sa Chile, tsunami warning itinaas
Tinamaan ng magnitude 7.7 na lindol ang karagatang sakop ng bansang Chile.
Naitala ang episentro ng lindol sa layong 225 kilometro ang layo sa southwest ng Puerto Montt, Los Lagos, ayon sa US Geological Survey (USGS).
Dahil sa karagatan tumama ang lindol, nagpalabas ng tsunami warning ang Chilean navy at inabisuhan ang mga residente na nakatira malapit sa baybayin ng Puerto Montt na pansamantalang lumikas.
Ayon sa National Emergency Office ng Chile, wala pa namang ulat ng mga nsawi o nasaktan resulta ng lindol na tumama araw ng Pasko.
Nitong nakalipas na 2010, isang malakas na magnitude 8.8 na lindol ang tumama sa south central coast ng bansa na nagdulot rin ng tidal wave.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.