60 miyembro ng Red Army choir, kabilang sa nasawi sa Russian plane crash

 

Mula sa AFP

Kabilang sa mga sinawimpalad na mapabilang sa mga nasawi sa pagbagsak ng isang Russian military plane ang animnapung miyembro ng Red Army Choir.

Walang nakaligtas sa 92 lulan ng TU-154 Tupolev plane na bumagsak sa Black Sea, araw ng Linggo.

Sakay rin ng eroplano ang siyam na mamamahayag at ilan pang sundalo at walong crew.

Bumagsak ang naturang eroplano dalawang minuto lamang matapos itong mag-take off mula sa Sochii, southern Russia at patungo na sana sa Syria.

Nag-refuel lamang ang naturang eroplano sa Sochii mula sa Moscow.

Dahil sa trahedya, idineklara ni Russian President Vladimir Putin ang December 26, bilang national day or mourning sa kanilang bansa.

Read more...