Pangulong Duterte, bumisita sa mga biktima ng pagsabog sa Midsaysap

By Jay Dones December 26, 2016 - 04:17 AM

 

duterte san bedaBumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa bayan ng Midsayap, North Cotabato Linggo ng hapon at kinumusta ang mga biktima ng pagsabog noong bisperas ng Pasko sa naturang lugar.

Umaabot sa 15 katao ang nasaktan sa naturang pagpapasabog ng umano’y Granada na inihagis ng suspek malapit sa Sto. Niño Parish Chirch habang isinasagawa sa loob ng simabahan ang Christmas eve mass.

Personal na tinungo ng Pangulo ang Pesante Hospital kung saan naka-confine ang ilang mga biktima ng insidente.

Sa loob, binigyan ng tulong pinansyal ng pangulo ang mga biktima at nakipagkwentuhan pa sa mga ito.

Gayunman, hindi pinahintulutan ang media na makapasok sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.