54,000 residente sa Augsburg, Germany, pinalikas dahil sa vintage bomb
Napilitang ilikas ang mahigit sa 54,000 katao sa isang bayan sa southern Germany sa gitna ng selebrasyon ng Pasko makaraang madiskubre ang isang World War II bomb sa lugar.
Natagpuan ang naturang bomba sa Augsburg City may bigat na 1.8 tonelada at may kakayahang pasabugin ang malaking bahagi ng lungsod kung sasabog.
Nahukay ang naturang bomba sa isang construction side sa gitna ng lungsod.
Dahil sa pangambang ito’y sumabog, nagpasya ang mga local na otoridad na himukin ang libu-libong residente na pansamantalang lisannin ang kanilang tahanan kahit Pasko.
Plano ng mga otoridad na i-defuse ang bomba upang ligtas itong maalis sa lugar.
Ang mass evacuation sa Augsburg ang maituturing na pinamalakaing evacuation sa Germany matapos ang Ikalawang digmaang pandaigdig may 70 taon na ang nakalilipas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.