Drug surrenderers sa buong bansa, halos isang milyon na – PNP

By Isa Avendaño-Umali December 25, 2016 - 02:42 PM

 

PNP drugs1
File Photo

Halos isang milyon na ang bilang ng mga drug surrenderer sa buong Pilipinas, sa gitna ng kampanya ng Duterte administration laban sa ilegal na droga.

Ayon kay PNP Public Information Office chief and spokesman Senior Supt. Dionardo Carlos, base sa datos ng Philippine National Police mula July 01 hanggang ngayong araw ng Pasko (December 25, 2016), nasa 977,430 ang mga sumuko sa mga otoridad, na ang karamihan ay mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Aabot naman sa apatnapung libo ang mga anti-illegal operations na isinagawa ng PNP, simula noong maupo sa Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pumalo na sa 39,967 ang mga anti-illegal drug operations ng pambansang pulisya sa buong bansa.

Sa mga naturang operasyon, nasa 2,150 ang nasawing drug suspects habang naaresto naman ang 42,470 na mga sabit umano sa droga.

Sa ilalim pa ng Oplan Tokhang, tumaas sa 5.6 milyong mga bahay ang nabisita ng mga pulis.

Sa kasagsagan naman ng kampanya ng Duterte government kontra ilegal na droga, umabot na sa dalawampu’t isang pulis at tatlong sundalo ang nasawi sa mga operasyon, habang animnapung pulis at walong sundalo ang sugatan.

TAGS: Oplan Tokhang, War on drugs, Oplan Tokhang, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.