Firecracker-related injuries, 23 na – DOH
Mahigit dalawampu na ang naitalang firecracker-related injuries sa buong bansa, batay sa patuloy na pagmomonitor ng Department of Health.
As of 6AM ng December 25, labing apat mula sa dalawampu’t tatlong fireworks-related injuries ay nairekord sa National Capital Region.
Nangunguna ang Maynila na may 6 na kaso; sinundan ng Quezon City na may tatlo; Las Pinas, Navotas at Pasay na may tig-isang naitalang kaso.
Ang iba pang firecracker-related injuries ay naitala sa Regions 1 (3 cases); Region 4-A (2 cases); Region 6 (2 cases); Region 7 at 11 na may tig-isang kaso.
Walo naman sa dalawampu’t tatlong kaso ay dahil sa Picollo, na bagama’t ipinagbabawal ay isa sa mga leading cause ng firecracker-related injuries.
Ang mga nabanggit na kaso ay nakuha mula sa daily monitoring ng DOH Aksyon Paputok Injury Report 2016, bilang bahagi ng taunang “Oplan: Iwas Paputok, Fireworks Display and Patok” campaign.
Ayon sa DOH, ang kasalukuyang bilang ay 28 o 55 percent na mas mababa kumpara sa five-year average, at 21 o 48 percent na mas mababa kumpara sa datos noong nakalipas na taon.
Karamihan sa mga biktima ay lalaki, habang ang pinakabatang nadale ng paputok ay isang limang taong gulang at 62 years old naman ang pinakamatanda.
Sa ngayon, isang kaso pa lamang ng firework ingestion ang naitala ng DOH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.