Paghahanda sa “The Big One”

May 29, 2015 - 03:13 AM

earthquake erwin 1
Kuha ni Erwin Aguilon

Nagsagawa ng earthquake simulator exercise ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Barangay Tumana, Marikina City para ipakita kung gaano kalakas ang pagyanig sakaling tumama ang malakas na lindol sa Metro Manila.

Gamit ang mobile simulator ng MMDA, ipinaramdam sa ilang residente mg Barangay Tumana ang Intensity 8 na lindol.

Isa ang Tumana sa mga Barangay sa Marikina City na may mga lugar na nakatuntong sa fault line.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na ang pinili nila ang nasabing Barangay para sa simulator exercise dahil may template na ang Barangay Tumana ng paghahanda sa lindol.

Sinabi ni Tolentino na mabuti ring gawing halimbawa ng ibang Barangay sa Metro Manila ang kahandaan ng Barangay Tumana.

“Ang paghahanda sa lindol ay hindi kaya ng isang ahensya lang, kailangan talaga ng tulong ng Local Government Unit. Ang Barangay Tumana (in Marikina City), may template na sila, may paghahanda na sila so dapat gayahin sila ng ibang Barangay,” ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino.

Ayon naman kay Barangay Tumana Chairman Ziffred Ancheta, malaki ang natutunan hindi lamang ng mga Barangay Officials kundi maging ng kanilang mga residente noong humagupit ang Bagyong Ondoy at binaha ang buong Tumana.

Simula noon sinabi ni Ancheta na bumuo na sila ng mga manuals at plano para sa mga kalamidad kasama na ang lindol at hindi humihinto sila sa information drive.

“Information drive ang ginagawa namin, hindi naman kasi maiiwasan, tatama at tatama talaga ang lindol. After noong Ondoy na washed out talaga ang mga bahay dito, gumawa na kami ng mga plano at manuals para sa disasters,” sinabi ni Ancheta.

Sinabi ni Ancheta na may pakikipag-ugnayan ang Barangay Tumana sa mga homeowners at alam na ng mga residente ang gagawin at pupuntahan kapag lumindol./ Erwin Aguilon

TAGS: earthquake, mmda, simulator, tumana, earthquake, mmda, simulator, tumana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.